Martes, Marso 12, 2013

Talambuhay


ANNE CURTIS

Anne Ojales Curtis-Smith o mas kilala sa pangalang Anne Curtis. Ipinanganak noong ika-17 ng Pebrero 1985 sa Wangaratta, Australia. Siya ay dalawampu’t walong taong gulang. Siya ang panganay na anak nila Carmencita Ojales isang Pilipinang may lahing Espanyol at ni James Ernest Curtis-Smith na isang Australyanong abogado. May isang kapatid si Anne Curtis na ang pangalan ay Jasmine Curtis. Si Anne Curtis ay isang Pilipina- Espanyol/ Australyanang aktres, modelo, host, mangaawit, fashion icon at VJ. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho ngayon sa ABS-CBN.


            Si Anne Curtis ay nadiskubre noong 12 taong gulang lamang siya habang siya ay kumakain sa isang fast-food noong sila ay magbakasyon sa Pilipinas ng kanyang pamilya. Makalipas ang isang linggo siya ay nagkaroon na ng una niyang komersyal. Dahil na rin dito napagdesisyonan ng kanyang ama na manatili sila sa Pilipinas ng kanyang pamilya at nagtapos siya ng kanyang ika-7 baitang sa Colegio de Sta. Rosa sa Makati. Ang unang pulikulang kanyang napasukan o nasalihan ay ang Magic Kingdom kung saan siya ay gumanap bilang isang prinsesa. At sumunod na dito ay ang kanyang mga palabas sa GMA na T.G.I.S, Ikaw Na Sana at Beh Bote Nga.


            Noong 2004, si Anne Curtis ay lumipat sa kabilng istasyon sa ABC-CBN. Sumikat siya ng tuluyan nang siya ay gumanap na Stephanie sa Hiram kasama sina Geoff Eigenman, Heart Evangelista, Kris Aquino at Dina Bonnevie na ina ng kanyang dating kasintahan na si Oyo Boy Sotto. Pagkatapos nito ay ibinigay sa kanya ang teleseryeng Kampanerang Kuba at siya ay gumanap bilang si Imang na dating ginampanan ni Vilma Santos na ina ng kanyang matalik na kaibigan na si Luis Manzano. At sumunod ay ang Maging Sino Ka Man kung saan naging kapareha niya ang kanyang dating kasintahan na si Sam Milby. Siya rin ay nakilala sa pagiging dyosa dahil sa kanyang palabas na Dyosa at ginampanan ang pagiging isang diwata kasama niya rito sila Sam Milby, Luis Manzano at Zanjoe Marudo. Siya rin ay naging anak ni Ai Ai De Las Alas sa Ang Cute Ng Ina Mo. Naging kapareha din siya ni Aga Muhlach sa When Love Begins.Siya rin ay nagkaroon ng parangal bilang isang mahusay na aktres sa kanyang pelikula na Baler na ang naging kapareha niya ay si Jericho Rosales.


BUHAY PAG-IBIG:

            Si Anne Curtis ay dating naging kasintahan nila Oyo Boy Sotto, Richard Guttierrez, Paolo Araneta at Sam Milby. Si Luis Manzano naman ay ang kanyang matalik sa kaibigan sa loob ng 8 taon. Naging kasintahan siya ni Oyo Boy Sotto sa loob ng 2 taon at sila ay naghiwalay sa kadahilanang sila ay masyadong bata pa at hindi pa ganoon kamature ang kanilang pagiisip. Pagkatapos noon ay kanya namang naging kasintahan si Richard Guttierrez noong 2004 at nagtagal sila ng 1 taon. Hindi nagtagal naging sila naman ni Paolo Araneta sa loob ng 2 taon. Pagkatapos nito ay naging sila naman ni Sam Milby na sa umpisa ay kanila itong tinatanggi pero di kalaunan ay kanila itong inamin ngunit sila ay hiwalay na. Hanggang sa dumating ang 2007 at naging sila muli ngunit ito’y nagtagal lamang hanggang 2008. Nabalita naman na sila ay nagdate ni Erwan Heussaf habang siya ay nasa kanyang bakasyon sa Europa noong 2009. At pang hanggang ngayon ang kanilang relasyon ay nananatiling tahimik at sarado sa publiko.

BUHAY PELIKULA:

Narito ang listahan ng mga pelikula ni Anne Curtis na pumatok sa takilya at naging paborito ng masa.

NO OTHER WOMAN

Ang “No Other Woman” ay tinuring na 2nd highest grossing Filipino film of all time na kumita ng 278M sa iba’t ibang sinehan sa Pilipinas. Pinagbidahan ito ni Anne Curtis, Christine Reyes at Derek Ramsay. Sa pelikulang ito, nakamit ng actress-tv host ang ikalawa niyang Best Actress award mula sa FAMAS. Gumanap bilang Kara Zalderiaga si Anne Curtis sa pelikulang ito at ang storya ay tungkol sa pakiki-apid ng isang lalaking may asawa (Derek Ramsay) sa kanyang boss na si Kara (Anne Curtis). Doon nagsimula ang away sa pagitan ng legal wife na si Charmaine Escaler (Christine Reyes) at ang kabit na gagawin ang lahat upang manalo sa ipinaglalabang “pag-ibig”, na si Kara Zalderiaga.

BABE, I LOVE YOU

Pinangungunahan ng artistang sina Sam Milby at Anne Curtis, ang “Babe I Love You” ay isang love story sa pagitan ni Nicolas Borromeo, isang History Architecture professor sa isang unibersidad, at ni Sandra “Sasa” Sanchez, isang promo-girl at simpleng babaeng may simpleng pamilya. Dito makikita ang kakaibang storya ng pagmamahalan ng dalawang magkaibang personalidad at pagkatao sa lipunang mababa ang tingin sa mga mahihirap.

Ipinalabas din ang pelikulang ito sa San Francisco, Cerritos, San Diego, Los Angeles, Las Vegas, Seattle, Chicago at Guam. Nagkaroon din ng screenings sa Ontario, Canada, Abu Dhabi, Doha, Qatar, at Dubai, UAE.

BALER

Sa pinakaunang pagtatambal ni Anne Curtis at Jericho Rosales sa isang proyekto, inihandog ng Viva Films, at ipinalabas sa mga sinehan noong 2008 ng Metro Manila Film Festival ang pelikulang “Baler” na halaw sa mga kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas. Pinarangalan si Anne Curtis ng “pinakamahusay na pagganap ng isang pangunahing aktres” at nanalo din ang pelikulang ito ng “pinakamahusay na pelikula” laban sa mga kasabayan nito.

Ang Baler ay base sa kasysayan ng mga panahong Philippine-Spanish war at naka-sentro din ito sa bawal na pag-iibigan ng isang Filipina at sundalong Espanyol.


Atribusyon: 
Anne Curtis. Wikipedia. http://en.wikipedia.org/wiki/Anne_Curtis