ANNE CURTIS
Anne Ojales Curtis-Smith o mas kilala sa
pangalang Anne Curtis. Ipinanganak noong ika-17 ng Pebrero 1985 sa Wangaratta,
Australia. Siya ay dalawampu’t walong taong gulang. Siya ang panganay na anak
nila Carmencita Ojales isang Pilipinang may lahing Espanyol at ni James Ernest
Curtis-Smith na isang Australyanong abogado. May isang kapatid si Anne Curtis
na ang pangalan ay Jasmine Curtis. Si Anne Curtis ay isang Pilipina- Espanyol/
Australyanang aktres, modelo, host, mangaawit, fashion icon at VJ. Kasalukuyan
siyang nagtatrabaho ngayon sa ABS-CBN.
Si Anne Curtis ay nadiskubre noong 12 taong gulang lamang siya habang siya ay
kumakain sa isang fast-food noong sila ay magbakasyon sa Pilipinas ng kanyang
pamilya. Makalipas ang isang linggo siya ay nagkaroon na ng una niyang
komersyal. Dahil na rin dito napagdesisyonan ng kanyang ama na manatili sila sa
Pilipinas ng kanyang pamilya at nagtapos siya ng kanyang ika-7 baitang sa
Colegio de Sta. Rosa sa Makati. Ang unang pulikulang kanyang napasukan o nasalihan
ay ang Magic Kingdom kung saan siya ay gumanap bilang
isang prinsesa. At sumunod na dito ay ang kanyang mga palabas sa GMA na T.G.I.S, Ikaw Na Sana at Beh Bote Nga.
Noong 2004, si Anne Curtis ay lumipat sa kabilng istasyon sa ABC-CBN. Sumikat
siya ng tuluyan nang siya ay gumanap na Stephanie sa Hiram kasama sina Geoff Eigenman, Heart
Evangelista, Kris Aquino at Dina Bonnevie na ina ng kanyang dating kasintahan
na si Oyo Boy Sotto. Pagkatapos nito ay ibinigay sa kanya ang teleseryeng Kampanerang Kuba at siya ay gumanap bilang si Imang
na dating ginampanan ni Vilma Santos na ina ng kanyang matalik na kaibigan na
si Luis Manzano. At sumunod ay ang Maging
Sino Ka Man kung saan naging
kapareha niya ang kanyang dating kasintahan na si Sam Milby. Siya rin ay
nakilala sa pagiging dyosa dahil sa kanyang palabas na Dyosa at ginampanan ang pagiging isang
diwata kasama niya rito sila Sam Milby, Luis Manzano at Zanjoe Marudo. Siya rin
ay naging anak ni Ai Ai De Las Alas sa Ang
Cute Ng Ina Mo. Naging kapareha
din siya ni Aga Muhlach sa When
Love Begins.Siya rin ay nagkaroon ng parangal bilang isang mahusay na
aktres sa kanyang pelikula na Baler na ang naging kapareha niya ay si
Jericho Rosales.
BUHAY PAG-IBIG:
Si Anne Curtis ay dating naging kasintahan nila Oyo Boy Sotto, Richard
Guttierrez, Paolo Araneta at Sam Milby. Si Luis Manzano naman ay ang kanyang
matalik sa kaibigan sa loob ng 8 taon. Naging kasintahan siya ni Oyo Boy Sotto
sa loob ng 2 taon at sila ay naghiwalay sa kadahilanang sila ay masyadong bata
pa at hindi pa ganoon kamature ang kanilang pagiisip. Pagkatapos noon ay kanya
namang naging kasintahan si Richard Guttierrez noong 2004 at nagtagal sila ng 1
taon. Hindi nagtagal naging sila naman ni Paolo Araneta sa loob ng 2 taon. Pagkatapos
nito ay naging sila naman ni Sam Milby na sa umpisa ay kanila itong tinatanggi
pero di kalaunan ay kanila itong inamin ngunit sila ay hiwalay na. Hanggang sa
dumating ang 2007 at naging sila muli ngunit ito’y nagtagal lamang hanggang
2008. Nabalita naman na sila ay nagdate ni Erwan Heussaf habang siya ay nasa
kanyang bakasyon sa Europa noong 2009. At pang hanggang ngayon ang kanilang
relasyon ay nananatiling tahimik at sarado sa publiko.
BUHAY
PELIKULA:
Narito ang listahan ng mga pelikula ni Anne
Curtis na pumatok sa takilya at naging paborito ng masa.
NO
OTHER WOMAN
Ang “No Other Woman” ay tinuring na 2nd
highest grossing Filipino film of all time na kumita ng 278M sa iba’t ibang
sinehan sa Pilipinas. Pinagbidahan ito ni Anne Curtis, Christine Reyes at Derek
Ramsay. Sa pelikulang ito, nakamit ng actress-tv
host ang ikalawa niyang Best Actress award mula sa FAMAS.
Gumanap bilang Kara Zalderiaga si Anne Curtis sa
pelikulang ito at ang storya ay tungkol sa pakiki-apid ng isang lalaking may
asawa (Derek Ramsay) sa kanyang boss na si Kara (Anne Curtis). Doon nagsimula
ang away sa pagitan ng legal wife na si Charmaine Escaler (Christine Reyes) at
ang kabit na gagawin ang lahat upang manalo sa ipinaglalabang “pag-ibig”, na si
Kara Zalderiaga.
BABE, I LOVE YOU
Pinangungunahan ng
artistang sina Sam Milby at Anne Curtis, ang “Babe I Love You” ay isang love
story sa pagitan ni Nicolas Borromeo, isang History Architecture professor sa
isang unibersidad, at ni Sandra “Sasa” Sanchez, isang promo-girl at simpleng
babaeng may simpleng pamilya. Dito makikita ang kakaibang storya ng
pagmamahalan ng dalawang magkaibang personalidad at pagkatao sa lipunang mababa
ang tingin sa mga mahihirap.
Ipinalabas din ang
pelikulang ito sa San Francisco, Cerritos, San Diego, Los Angeles, Las Vegas, Seattle, Chicago at
Guam.
Nagkaroon din ng screenings sa Ontario, Canada, Abu Dhabi, Doha, Qatar, at Dubai, UAE.
BALER
Sa
pinakaunang pagtatambal ni Anne Curtis at Jericho Rosales sa isang proyekto,
inihandog ng Viva Films, at ipinalabas sa mga sinehan noong 2008 ng Metro
Manila Film Festival ang pelikulang “Baler” na halaw sa mga kaganapan sa
kasaysayan ng Pilipinas. Pinarangalan si Anne Curtis ng “pinakamahusay na pagganap ng isang
pangunahing aktres” at nanalo din ang pelikulang ito ng “pinakamahusay na
pelikula” laban sa mga kasabayan nito.
Ang Baler ay base sa kasysayan ng mga panahong
Philippine-Spanish war at naka-sentro din ito sa bawal na pag-iibigan ng isang
Filipina at sundalong Espanyol.
Atribusyon:
Anne Curtis. Wikipedia. http://en.wikipedia.org/wiki/Anne_Curtis
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento